Benito Soliven, Isabela – Nagsagawa ng 10th-Ball Billiards Tournament for a Cause ang Isabela PNP na ginanap sa Benito Soliven Police Station, Benito Soliven, Isabela nito lamang Sabado ng umaga, Hulyo 30, 2022.
Matagumpay ang aktibidad sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Michael A Aydoc, Chief, PCADU-IPPO at Police Major Rufo A Figarola, Chief of Police ng Benito Soliven PS sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Julio R Go, Provincial Director, Isabela Police Provincial Office.
Ayon kay PLtCol Aydoc, ang mga kalahok sa tournament ay dadaan sa series of elimination rounds kung saan ang isa ay dapat magkaroon ng limang panalo para makapasok sa semi-finals at pitong panalo naman para makasali sa final round.
Ayon pa kay ni PLtCol Aydoc, makakatanggap naman ng Plaque at Cash Prize ang mga kalahok na magwawagi sa pagtatapos ng paligsahan.
Dagdag pa ni PLtCol Aydoc, isinagawa ang naturang 10th-Ball Billiards Tournament upang makalikom ng pondo na gagamitin sa mga proyekto para sa benipisyaryo ng pangalawang Pabahay Project sa ika-20 ng Agosto 2022 sa Benito Soliven PS.
Isa lamang ito sa inisyatibo ng PNP na hangad ay maipaabot ang malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay serbisyo at tulong sa higit na nangangailangan.
Source: Isabela PPO
###
Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier