Wednesday, November 27, 2024

100 miyembro ng Abu Sayaff Group, sumuko sa pamahalaan sa Patikul, Sulu

Patikul, Sulu – Boluntaryong sumuko ang 100 miyembro ng Abu Sayaff Group sa Sulu Provincial Capitol Gymnasium, Patikul, Sulu noong Hulyo 30, 2022.

Pinangunahan ni Governor Adbukasar Tan, Chairman ng Ministries of Sulu Provincial Enhanced Comprehensive Local Integration Program Committee ang nasabing programa na Localized Balik-Loob Program para sa mga miyembro ng Abu Sayaff Group na gustong magbagong buhay at para muling makasama ang kanilang pamilya.

Ang Localized Balik-Loob Program ay dinaluhan nina Atty. Benjamin Abalos Jr., Secretary of the Interior and Local Government; PLtGen Vicente Danao Jr., Officer-In-Charge, Philippine National Police; PMGen Eden Ugale, OIC-Area Police Command Western Mindanao; Emini Kadiri, OIC-MILG Sulu; MGen Ignatius Patrimonio, Division Commander 11th Infantry Division Philippine Army; PBGen Arthur Cabalona, Regional Director PRO BAR; Ret. BGen Camill Bulutan, RD NICA9; at mga Local Chief Executives mula sa 19 munisipalidad ng Sulu na tumulong sa kanilang mga nasasakupan na boluntaryong sumali sa E-CLIP program para sa whole-of-the-nation approach na kung saan ay nagtulungan ang lahat ng ahensya ng gobyerno para labanan ang terorismo.

Ang mga sumuko ay binubuo ng pitong PSR (Private Sector Representative Listed), 16 na Non-PSR Listed at 37 na tagasuporta sa ilalim ng iba’t ibang ASG Sub-leaders na nagmula sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan ng Sulu.

Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagsuko din nila ng kanilang mga armas kabilang ang 22 na baril, anim na yunit ng M16 rifle na may kalakip na M203, tatlong yunit ng Colt M16 A1 Rifle, anim na yunit ng M14 Rifle, dalawang yunit na Garand Rifle, isang yunit na M203 Grenade Launcher, dalawang yunit ng Caliber 45 Pistol; isang Carbine at isang Magnum 357.

Makakatanggap naman ng tulong pinansyal at intervention program at palalakasin ang ispiritwal at moral ng mga ito, programang pangkalusugan, pagsasanay sa kabuhayan, at upang matulungan sila para sa kanilang muling pagsama sa makabagong lipunan.

Sa ilalim ng Executive Order No. 70 ay binuo nito ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP para sa mga rebeldeng grupo na nais magbalik-loob sa pamahalaan at para maprotektahan ang komunidad laban sa mga teroristang grupo.

Ang PRO BAR ay patuloy na lalabanan ang terorismo at hihikayatin ang mga rebelde na sumuko at ipaunawa na ang pamahalaan ay hindi kalaban kundi kakampi.

Panulat Patrolman Mark Vincent Valencia

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles