Lapu-Lapu City – Arestado ang isang tulak ng droga sa ikinasang manhunt operation ng PNP sa Sitio Pakpakan, Brgy. Basak, Lapu-Lapu City nito lamang hapon ng Biyernes, Hulyo 29, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Randy Q Peralta, Director ng PNP Drug Enforcement Group, ang suspek na si John Michael Segura Guanzon, 29, walang asawa, unemployed at residente ng Sitio Sudtonggan, Brgy. Basak, Lapu-Lapu City.
Ayon kay PBGen Peralta, ang suspek ay nasakote sa nabanggit na lugar ng mga operatiba ng PNP DEG-Special Operations Unit 7 at Lapu-Lapu City Police Office.
Naaresto si Guanzon sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad.
Source: PNP DEG
Panulat ni PSMS Marisol A Bonifacio