Cebu City, Philippines – Binigyang pagkilala ng mga kawani ng Police Regional Office 7 (PRO7) ang mga natatanging tauhan at stakeholders nito sa ginanap na Culmination at Awarding Ceremony kaugnay sa pagdiriwang ng ika-27th Police Community Relations Month sa Camp Sergio Osmeña Sr., Cebu City nito lamang umaga ng Biyernes, Hulyo 29, 2022.
Ang naturang programa ay nabigyang katuparan sa pagsisikap ng mga tauhan ng Police Regional Office 7 sa pangunguna ni Police Brigadier General Roque Eduardo Dela Peña Vega, Regional Director, katuwang ang Deputy Regional Director for Operation, Police Colonel Noel R Flores at Deputy Regional Director for Administration, Police Colonel Hector G Maestra.
Personal na dinaluhan ang naturang pagdiriwang ni Atty. Beatrice Aurora A. Vega-Cancio, Commissioner, National Police Commission; Atty. Risty N Sibay, OIC NAPOLCOM 7; Provincial/City Directors; PRO 7 Staff and Command Group; mga awardees at mga tauhan ng Police Regional Office 7.
Sa binigay na talumpati ni Atty. Vega-Cancio ay binigyan niya ng diin ang kahalagahan ng ugnayang pulisya at komunidad upang makuha ang tiwala ng mamamayan at mapabuti ang imahe ng pulisya.
Gayundin, mainit na tinanggap ng mga napiling awardees ang parangal na iginawad ng Police Regional Office 7 para sa kanilang huwarang pagganap at masigasig na pakikiisa sa pagdiriwang ng ikaw-27th Police Community Relations Month.
Sa nabanggit na aktibidad, ginawaran ang Negros Oriental Police Provincial Office bilang Outstanding Police Provincial Office of the Year in Police Community Relations; Cebu City Police Office bilang Outstanding City Police Office of the Year in Police Community Relations; Tagbilaran City Police Station bilang Outstanding City Police Station of the Year in Police Community Relations.
Kinilala rin ang Cortes Municipal Police Station ng BPPO bilang Outstanding Municipal Police Station of the Year in Police Community Relations at Cebu City Mobile Force Company, Cebu City Police Office bilang Outstanding Mobile Force Company of the Year in Police Community Relations.
Dagdag pa rito, ginawaran bilang Outstanding Senior PCO of the Year in Police Community Relations si PCol Germano Mallari, Provincial Director ng Negros Oriental PPO habang iginawad naman kay PLtCol Mary Crystal Peralta ang Outstanding Junior PCO of the Year.
Kinilala at binigyang parangal din si PEMS Orlando E Gonzaga, bilang Outstanding Senior PNCO, at PSSG Estrelieta Caste, bilang Outstanding Junior PNCO of the Year in Police Community Relations.
Ang programa ay naglalayong bigyang pugay ang mga natatanging miyembro ng kapulisan na nagpakita ng hindi matatawarang kahusayan sa kanilang trabaho. Hinikayat pa ng panauhing pandangal at tagapagsalita ng programa ang buong kapulisan ng PRO 7 na panatilihin ang mahusay at magandang relasyon nito sa komunidad, gayundin ang pagkakaloob ng patas at mahusay na serbisyo publiko.
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio