Argao, Cebu – Naglunsad ng community outreach program ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 7 kaugnay sa patuloy na pakikiisa ng mga kawani sa pagdiriwang ng ika-27th Police Community Relations Month na isinagawa sa Brgy. Sumaguan, Argao noong Hulyo 29, 2022.
Ang naturang programa ay nabigyang katuparan sa pagkakaisa ng mga tauhan ng RMFB 7 sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Ronan R Claraval, Force Commander, katuwang ang mga masugid na miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo, Argao Women Federations at mga pamunuang barangay ng Argao.
Kabilang sa mga naging gawain sa makabuluhang aktibidad ay ang pamamahagi ng mga food packs, damit, pagsasagawa ng zumba at talakayan patungkol sa mga batas na nagpoprotekta at kumakalinga sa karapatan ng bawat tao.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente ng nabanggit na barangay sa tulong na kanilang natanggap.
Ang naging hakbangin ng RMFB 7 ay naglalayon na panatilihin at palakasin ang maayos na ugnayan ng mga pulisya sa komunidad na siyang malaking kasangga ng pamahalaan upang sugpuin ang kriminalidad at wakasan ang insurhensiya.