Mga Person with Disabilities (PWD) ang naging benipisyaryo ng Project WIN A SMILE na inilunsad ng Solana Police Station noong ika-29 ng Hulyo taong kasalukuyan sa Solana Police Station, Barangay Centro Southeast, Solana, Cagayan.
Layon ng project W.I.N A S.M.I.L.E (Working for Inclusivity for Noble Aim: Solanians Making Impaired Individuals Live Limitless with Excellence) na matulungan ang kababayan nating may kapansanan subalit may mga talento.
Dagdag nito, nais din ng proyekto na hikayatin ang mga PWDs sa Bayan ng Solana na ipakita ang kanilang mga kakayahan at matulungan sa kanilang paghahanap-buhay gamit ang kanilang mga talentong galing.
Pinuri ni Police Colonel Renell R Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office ang buong hanay ng Solana PS sa pamumuno ni Police Major Darwin John B Urani, Hepe, sapagkat ang kanilang proyekto ay sumasalamin sa PNP Core Values na “Makatao”.
Napapataas nito ang moral at kompiyansa sa sarili ng mga benipisyaryo sa kabila ng kanilang mga kapansanan at nagdudulot ng pag-asa hindi lang sa kanilang mga sarili kundi pati na rin sa kanilang mga pamilya.
Ani PD Sabaldica, ang Proyektong ito ay isang magandang pamarisan ng ibang istasyon sa lalawigan sapagkat makukuha nito ang tiwala at suporta ng mamamayan.
Sa naganap na programa ay ipinamalas ng mga PWDs ang kanilang mga talento katulad ng pag-awit, pagtugtog ng mga instrumento at free massage. Ipinakita rin ang mga likhang furnitures tulad ng mesa, mga upuan at souvenir items.
Liban dito ay nagsagawa rin ng Community Outreach Program na pinangunahan ni Mrs. Jonah Marie Bayting, Adviser ng PRO 2 Officers’ Ladies Club kasama si Mrs. Leah Sabaldica.
86 na mga bata ang pumila at nabigyan ng tsinelas, giveaways na loot bags at pagkain na magdulot ng saya at ngiti sa mga bata.
Ang aktibidad ay matagumpay dahil sa mainit na suporta at tulong ng lokal na pamahalaan ng Solana, mga aktibong miyembro ng Advisory Support Groups at stakeholders sa mga proyekto at programa ng Kapulisan tungo sa payapa at tahimik na komunidad.
Source: Cagayan Police Provincial Office
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi