Davao Oriental – Arestado ang isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Prk. Baybay, Brgy Bobon, Mati City, Davao Oriental, noong Hulyo 29, 2022.
Kinilala ni PLtCol Ernesto Gregore, Chief of Police, Mati CPS, ang suspek na si Abdul Wahid Tagabunlang Tamay alyas “Wawa”, 41, residente ng nasabing lugar na tinaguriang Top 8 HVI sa regional level.
Ayon kay PLtCol Gregore, naaresto ang suspek sa pinagsamang tauhan ng Mati CPS kasama ang Regional Intelligence Division – Provincial Intelligence Team katuwang ang PDEA.
Dagdag pa ni PLtCol Gregore, nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 5 gramo na may street market value na Php34,000.
Ang suspek ay nahajarap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman sa mga operasyon ang Police Regional Office 11 upang mahuli ang mga HVI sa lungsod upang makamit nila ang kanilang layunin na gawing drug-free ang Rehiyong onse sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara