Northern Samar – Muling binisita at tinulungan ng mga tauhan ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company ang magkakapatid na may kapansanan sa Brgy 5 Poblacion, Pambujan, Northern Samar noong Miyerkules, Hulyo 27, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Seth Mark Alob, Force Commander ng 2nd Northern Samar PMFC, ang magkapatid na may kapansanan na kinilalang sina Frank Lawrence S Siervo, Mark Lawrence S Siervo, at Juvelt S Siervo na mula sa Brgy. 5 Poblacion, Pambujan, Northern Samar ay una nang nabigyan ng tulong noong Hulyo 21, 2022 sa isang simultaneous giving of assistance para sa mga PWD na tinaguriang “PWD in a day”.
Ang nasabing mga benipisyaryo ay tumanggap ng mga food packs na naglalaman ng bigas, noodles, canned good, biskwit, kape, at gatas na makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Mensahe ni PLtCol Alob, “Ang mga tauhan ng 2nd Northern Samar PMFC ay patuloy na magbibigay serbisyo ng walang kapaguran upang tiyakin na ang mga taong may kapansanan ay hindi makaramdam ng diskriminasyon sa lipunan”.
###
Panulat ni Patrolman Rogelio Vistas