Matiwasay na isinagawa ang blessing at inauguration ng bagong strategic location ng Police Community Precint sa Brgy. Malubog, Cebu City noong Hulyo 26, 2022.
Ang naturang programa ay pinasinayaan ni Police Brigadier General Roque Eduardo DP Vega, Regional Director PRO 7, katuwang ang mga kawani ng NAPOLCOM 7, Cebu City Police Office na pinamumunuan ni Police Colonel Ernesto Salvador Tagle, City Advisory Group, Advocacy Support Group, at Barangay Officials ng Malubog.
Ang strategic location ng Police Community Precint o ang PCP3 Malubog ay naisakatuparan sa pagsisikap ng mga miyembro ng Cebu City Police Office.
Lubos naman ang pasasalamat ni Police Colonel Tagle sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng naturang proyekto mula sa mga pinansyal na donasyon, mga materyales at solidong suporta na ibinigay.
Kabilang sa kanyang mga pinasalamatan ang mga tauhan ng Local Government Unit ng Malubog, CCPO Technical Working Group, Advisory Group, stakeholders at marami pang iba.
Layunin ng naturang proyekto na ilapit ang PNP sa komunidad at matiyak ang mabilis at patuloy na paghahatid ng maayos at epektibong serbisyo lalong lalo na sa usaping pangkaligtasan at pangkaayusan.
Sinisiguro naman ng buong hanay ng Cebu City Police Office na hindi sila hihinto sa pamimigay ng isang tapat at maayos na serbisyo publiko tungo sa isang mapayapa, maayos, at mas ligtas na pamayanan.
###
Panulat ni Patrolman Edmersan P Llapitan