Idinaos ng mga tauhan ng Police Community Affairs and Development Group ang kanilang ika-30 anibersaryo sa Multi-Purpose Center, Camp Crame, Quezon City kahapon, Hulyo 27, 2022.
Ang naturang selebrasyon ay may tema na, “Matatag na Ugnayan ng Pulisya at Mamamayan, Tungo sa Kapayapaan, Kaunlaran, at Pagkakaisa ng ating Bayan,” na may layuning patatagin pa ng pulisya ang ugnayan nito sa komunidad.
Tampok sa programa ang Audio-Visual Presentation ng PCADG Milestones, paggawad sa mga Outstanding Personnel at Oath Taking ng PNP Ka-Taguyod officers na binubuo ng mga Stakeholders, Advisory Council, at NGOs.
Panauhing pandangal si Officer-In-Charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. na nagbigay ng kanyang mensahe na bigyang halaga ang pagiging isang police community relations officer.
“We should make community relations, an everyday activity, not only because it is declared that the month of July is the community relations day but as members of the Philippine National Police, officers, and men dapat everyday is a community relations day,” ani PLtGen Danao Jr.
###
PCpl Jhoanna Marie Najera Delos-Santos