Bayugan City, Agusan del Sur – Kumpiskado ang tinatayang nasa Php476,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Caraga PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 13 sa Agusan del Sur na nagresulta ng pagkaaresto ng suspek nito lamang Martes, Hulyo 26, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang nadakip na si Leny Milay Balongag alyas “Leni”, 52, residente ng Purok 1, Brgy. Cagbas, Bayugan City, Agusan del Sur.
Ayon kay PBGen Caramat Jr, bandang 4:15 ng hapon nang isagawa ang operasyon sa P-6, Brgy. Maygatasan, Bayugan City ng mga operatiba ng Agusan del Sur Provincial Intelligence Unit, Bayugan City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency-Agusan del Sur.
Narekober ang pitong pirasong heat-sealed transparent sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 70 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php476,000, Php50,000 na cash na ginamit bilang boodle money at isang cellphone.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Over the years, the trading and use of illegal drugs has destroyed hundreds of Caraganons, and lives have been lost and abused. As a result, anti-drug policy and operations have been strengthened and carried out by our police operatives to disrupt these illegal drug operations,” pahayag ni PBGen Caramat.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU 13