Northern Samar – Nagsagawa ng community outreach program ang mga tauhan ng Palapag Municipal Police Station sa Brgy. Janggut, Palapag, Northern Samar noong Lunes, Hulyo 25, 2022.
Ang aktibidad ay matagumpay na naisagawa ng Palapag MPS sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Rossenett Cubay Gorembalem, MESPO sa pamumuno ni Police Lieutenant Thom Alexis D Manlangit, Officer-In-Charge, 3rd Maneuvering Platoon, 2nd Northern Samar PMFC sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Daryl Dave Moniva, Platoon Leader at si Police Master Sergeant Jehzrell C Estanislao ng PNP-SAF.
Mahigit 100 na mga bata ang nakatanggap ng mga gamit sa paaralan, food packs na naglalaman ng mga candy at biskwit at binigyan din ng masustansyang arrozcaldo.
Samantala, nakatanggap din ang halos 50 senior citizen at iba pang residente ng food packs na naglalaman ng bigas, noodles at mga de-lata.
Ang aktibidad ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-27th Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos, at Maunlad na Pamayanan”.
Nagpahayag naman si Hon. Nonito Muncada, Brgy Chairperson ng taos-pusong pasasalamat sa hindi inaasahang aktibidad na nagdulot ng ngiti at saya sa mga mukha ng residente sa barangay. Binigyang-diin ni Chairperson Muncada ang malaking tulong ng presensya ng pulisya sa kanilang barangay, higit pa sa pagbibigay ng tulong sa kanyang mga nasasakupan.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan at mas lalong mapagtibay ang ugnayan ng PNP at ng komunidad.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez