Lazi, Siquijor – Isang joint Community Outreach Program na may temang “Safeguarding the Nutrition of Infants and Children” ang isinagawa ng mga tauhan ng Lazi Police Station sa Barangay Simacolong, Lazi, Siquijor nito lamang Lunes, Hulyo 25, 2022.
Ang mga naturang aktibidad ay bunga ng pagtutulungan ng mga tauhan ng Lazi Police Station sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Roberto S Anulacion, Acting Chief of Police at mga kawani ng Kivz Travel and Tour, KKDAT, Sangguniang Kabataan ng Lazi, DOH, Taugamma Phi, Rhocans, Simacolong BNS, at Simacolong Council.
Ayon kay Police Lieutenant Anulacion, nasa mahigit 50 na kabataan mula sa naturang barangay ang napamahagian ng food packs at nagkaroon din ng maikling programa para aliwin ang mga ito.
Samantala, nagbigay din ng kaalaman ang ating kapulisan patungkol sa mga batas na nagpoprotekta at kumakalinga sa karapatan ng mga bata at kababaihan.
Inilunsad ang programa kaugnay sa pagdiriwang ng ika-27th Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan.”
Ang mga programang patuloy na binibigyang katuparan ng Pambansang Pulisya ay isang paraan upang maiparamdam ang tulong at suporta mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at upang mas lalong pagtibayin ang nabuong ugnayan sa mamamayan.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio