Mambaling, Cebu City – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Police Regional Office 7 para sa mga kapatid na Badjao at Muslim sa Sitio Nava, Barangay Alaska Mambaling, Cebu City nito lamang ika-25 ng Hulyo 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Antonietto Y Cañete, Chief, RCADD, katuwang ang kanyang Deputy Chief, Police Lieutenant Colonel Mary Crystal B Peralta at iba pang miyembro ng Police Regional Office 7.
Mahigit 200 na relief goods na naglalaman ng mga gulay, tatlong kilong bigas at iba pang sangkap pangluto ang taos-pusong ipinamahagi ng nasabing grupo sa ating mga kapatid na Muslims at Badjao ng naturang lugar.
Bukod pa sa pamimigay ng nasabing food packs, personal din na binisita ni Police Lieutenant Colonel Peralta, ang mga benipisyo ng programa upang sila ay kamustahin at hikayatin na mas maging positibo sa buhay ano mang hirap ang kanilang pinagdadaanan.
Labis naman ang galak at pasasalamat ng mga naging benipisyaryo ng nasabing programa hindi lamang dahil sa food packs na kanilang natanggap kung hindi lalong higit sa pagmamahal at malasakit na ipinaramdam sa kanila ng mga kapulisan.
Ang aktibidad na inilunsad ay naaayon sa adbokasiya ni Police Brigadier General Roque Eduardo DP Vega, Regional Director, PRO7, upang patuloy na tulungan at suportahan ang ating mga kapus-palad na kababayan sa Central Visayas.
Ang mga ganitong hakbangin ng mga kawani ng Police Regional Office 7 ay naglalayong hindi lamang matulungan ang mga residente na kanilang nasasakupan bagkus lalong higit na ipinadama sa mga ito ang pantay-pantay na pagmamahal at pagkalinga sa kanila ng Philippine National Police.
###
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah R Evangelista