Arestado ang Top 10 Most Wanted Person (City Level) sa San Carlos, Pangasinan noong ika-1 ng Nobyembre taong kasalukuyan.
Ayon sa ulat, alas 1:50 ng hapon, nang ikinasa ang man-hunt operation ng pinagsamang pwersa ng San Carlos CPS (lead), PIU, PIDMU Pangasinan PPO, at 105th MC RMFB1 sa Brgy. Mauway, Mandaluyong City na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.
Kinilala ang suspek na si Samuel Gutierrez y Sayson,Top 10 Most Wanted Person (City Level), 46 taong gulang, may asawa, high school under graduate, walang trabaho at nakatira sa Brgy. Inerangan, San Carlos City, Pangasinan.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inanunsyo ni Hon. Geraldine N. Francisco, Presiding Judge of RTC, Branch 57, First Judicial Region, San Carlos City, Pangasinan, para sa krimen na Arson sa ilalim ng Criminal Case Number SCC-11754 na may petsang Hunyo 30, 2021, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php120,000.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng San Carlos MPS para sa wastong disposisyon ng kanyang kinakaharap na kaso.
#####
Panulat ni: Police Corporal Marvin Jake E Romero