Aabot sa 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php340,000 ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlo (3) naman ang naaresto sa buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Cordon, Isabela.
Kinilala ang mga suspek na sina Jestoni Guttierez, 30 anyos, isang truck driver, residente ng Barangay Alibadbad, San Mariano, Isabela; Juanito Aggabao, 33 anyos, isang truck helper, residente ng District 3, Cauayan City, Isabela; at Evelyn Dela Cruz, 47 anyos, isang sack vendor, residente ng Santo Niño, Gapan, Nueva Ecija.
Inaresto ang mga suspek matapos makabili ng isang (1) sachet ng shabu na nagkakahalaga ng Php15,000 ang ahente ng PDEA na nagpanggap bilang poseur-buyer.
Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang apat (4) pang sachet ng shabu; tatlong (3) cellphone; drug paraphernalia; at trailer truck na may plakang NEP 1705.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
###
Panulat ni: Police Corporal Josephine T Blanche
good job pnp