Cebu City – Matagumpay na inilunsad ng Cebu City Police Office ang Cebu City Grand Caravan sa Baywalk ng IL Corso, South Road Properties nito lamang Biyernes, ika-22 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Ernesto T Tagle, City Director, CCPO katuwang ang DILG, NAPOLCOM 7, LGU, AFP, Cebu Lions Club, BFAR 7, DENR 7, PSA, PAO, BJMP, BFP, COAST GUARD, RMDU7, Maritime Group, Advocacy Support Group, Force Multipliers at ng PCADG Central Visayas.
Bilang bahagi ng programa, unang nagsagawa ng coastal clean-up ang mga naturang grupo na sinundan ng paglilinis ng coral reef na tinaguriang “SCUBASURERO” kung saan mismong si PCol Tagle ang nakilahok at sako-sakong basura ang nakolekta pagkatapos ng aktibidad.
Ayon kay Police Colonel Tagle, layunin ng aktibidad ang mapatibay ang naumpisahan na magandang ugnayan ng mamamayan at ng kapulisan at ang pagkakaisa sa pangangalaga at pag-iingat sa ating kalikasan.
Sa naturang caravan, ang mga ahensyang nakilahok ay naghahatid ng mga libreng serbisyo at kabilang ang pamamahagi ng mga food packs, hygiene kits, libreng legal at medikal na konsultasyon, dental, libreng tuli, gupit, mga serbisyong notarial, pagpaparehistro ng live birth, pagbabakuna laban sa rabies at pag-deworming sa mga alagang aso, paglagda sa Manifesto of Support sa Cebu City Legacy Grand Caravan, at iba pang serbisyo.
Ayon pa kay Police Colonel Tagle, ang naturang aktibidad ay ang kanilang pakikiisa sa ika-27th Police Community Relations Month Celebration at alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Nagtapos ang aktibidad sa pamamagitan ng pagpapakita ng talento ng mga tauhan ng PRO 7 sa pag-awit at pagsayaw, na nagdulot ng kasiyahan sa mga dumalo sa naturang aktibidad.
Ang naging hakbangin ng Cebu City Police Office katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at ng mga nakilahok sa aktibidad ay ang mapanatili ang kalinisan sa ating karagatan upang makaiwas sa mga sakuna dulot ng pagtatapon ng mga basura sa karagatan.
###