Cebu, Philippines – Tinatayang Php2,788,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Cebu PNP sa isinagawang buy-bust operation nito lamang ika-22 ng Hulyo 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roberto Barnido Jr., Chief of Police ng Aloguinsan Police Station, ang suspek na si Ras Fernandez Manano a.k.a “Aki”, 44, residente ng Sitio Lawis, Brgy. Pasil, Cebu City at kabilang sa High Value Individual sa lugar.
Pinaghahanap pa ng mga otoridad si Surina Peñalosa Gocela, 52, residente ng Purok 4, Brgy. Bonbon, Aloguinsan, Cebu ng makatunog ito na ang kanyang katransaksyon ay mga pulis.
Ayon kay PLtCol Barnido Jr., naaresto ang suspek na si Manano bandang 7:30 ng gabi sa Sitio Bliss, Barangay Bonbon, Aloguinsan, Cebu ng mga operatiba ng Aloguinsan Police Station katuwang ang Regional Police Drug Enforcement Unit 7 sa pangunguna ni Police Lieutenant Bonifacio Tañola at Police Drug Enforcement Unit 7/Police Intelligence Unit 7 sa pangunguna ni Police Major Joey M Bicoy.
Ayon pa kay PLtCol Barnido Jr., nakuha sa suspek ang hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 410 gramo at may Standard Drug Price na Php 2,788,000, sling bag at buy-bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11, Art. II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Ang matagumpay na operasyon ng Aloguinsan Police Station ay bunga ng masinsin na operasyon ng pulisya sa pagpapatupad ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO).
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio