Mayantoc, Tarlac – Muling umarangkada ang Titser kong Pulis ng Mayantoc PNP sa Sitio Calao, Barangay San Jose, Mayantoc, Tarlac nito lamang Huwebes, Hulyo 21, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Randie P Niegos, Acting Chief of Police ng Mayantoc Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Colonel Erwin O Sanque, Provincial Director ng Tarlac Police Provincial Office.
Ayon kay PMaj Niegos, labis ang pasasalamat ng mga katutubong Aeta sa pagbibigay ng karunungan sa kanilang mga anak kung paano sumulat, magbasa ng alpabeto at kwentong pambata na may mapupulot na aral.
Itinuro din ng Mayantoc PNP ang pagiging MakaDiyos, Makabayan, Makakalikasan, mapagmahal sa magulang, tamang asal, at malinis sa pangangatawan.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-27th PCR Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan.
Layunin ng pagtuturo na maipaabot ang pangunahing serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga liblib o malalayong lugar at mapalapit ang komunidad sa mga pamahalaan para hindi sila malinlang ng mga komunistang teroristang grupo na walang naidudulot na maganda sa kinabukasan ng mga kabataan.
Source: Mayantoc PS
###
Sa Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera