Bulalacao, Oriental Mindoro – Nadiskubre ng mga otoridad ang iba’t ibang uri ng mga High Powered Firearms at mga pampasabog ng mga Communist Terrorist Group sa Sitio Banaba, Brgy. Benli, Bulalacao, Oriental Mindoro nito lamang Hulyo 21, 2022.
Ang operasyon ay pinagsanib na puwersa ng 103rd Special Action Company, 10th Special Action Battalion PNP-Special Action Force, 3rd Platoon 2nd Provincial Mobile Force Company, Bulalacao Municipal Police Station at CIT Alpha 2nd Civil Military Operation Battalion 2nd Infantry Division, Philippine Army.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng isang hindi sumabog na hand fragmentation grenade na walang safety lever, mga bala ng grenade launcher, steel magazine ng M14 rifle na puno ng mga bala, dalawang kalibre .38 revolver, at puting single wire na may sukat na higit kumulang limang metro.
Sa pamamagitan ng koordinasyon ng Bulalacao MPS sa Provincial EOD at Canine Unit-Mountain Province (PECU) Oriental Mindoro, dumating sa lokasyon ng mga nasabing kagamitan ang EOD Technician at nagsagawa ng Render Safety Procedure sa pamamagitan ng Blast in Place (BIP) sa narekober na Fragmentation Hand Grenade na walang safety lever at grenade launcher ammunition.
Nasa kustodiya na ngayon ng Bulalacao MPS ang mga narekober na item para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Ipinahayag ni Police Major Jinkie Tuguic, Acting Battalion Commander ng 10SAB, ang matagumpay na operasyon kontra-insurhensya ay nagpapakita ng sama-samang pagsisikap ng ating mga tropa sa pagpapaigting ng kampanya laban sa insurhensya sa ating bansa upang matiyak na ligtas ang bawat mamamayang Pilipino.
Source: PNP Special Action Force
###
Panulat ni Patrolman Jorge Michael C Bardiago