Lower Bicutan, Taguig City — Tinatayang Php204,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa buy-bust ng Taguig City Police Station kasabay sa pagkakatunton sa umano’y drug den ng mga ito nito lamang Huwebes, Hulyo 21, 2022.
Kinilala ni PBGen Jimili L Macaraeg, SPD Director ang mga suspek na sina Roniel Calamlam, 25; Benjamin Jorge Calamlam Jr., 57, na parehong SLI-user/pusher; at Gary Baliscot Gubaton, 33, isa ring SLI user.
Ayon kay PBGen Macaraeg, bandang 9:50 ng gabi naaresto ang mga suspek sa Camachile St. Brgy. Lower Bicutan, Taguig City ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit kasama ang mga tauhan ng DID, at SPD-DMFB.
Nasamsam ang pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 30 gramo na may Standard Drug Price na Php204,000, Php500 bilang buy-bust money, isang kalibre .22 revolver na kargado ng anim na live ammunition.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591.
Pinuri ni PBGen Macaraeg ang pagsisikap ng mga operating unit na nag-aambag ng mga kapansin-pansing tagumpay sa kampanya laban sa ilegal na droga. Aniya, “Ang ating kampanya laban sa ilegal na droga at lahat ng uri ng kriminalidad ay nananatiling walang tigil. Patuloy nating tutuparin ang ating pangako na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating mga kababayan”.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos