Negros Occidental – Nakilahok ang mga tauhan ng Pontevedra Municipal Police Station sa Tree Planting Activity na pinangunahan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office sa Purok Tamsik, Brgy. General Malvar, Pontevedra, Negros Occidental nito lamang ika-19 ng Hulyo 2022.
Ang pakikilahok ng mga tauhan ng Pontevedra Municipal Police Station ay sa pamumuno ni Police Captain Hancel P Lumandaz, Acting Chief of Police kasama ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), BFP, Department of Education, Municipal Employees, at Brgy. Officials.
Matagumpay na nakapagtanim ng mahigit 300 na assorted forest seedlings and fruit bearing trees ang mga lumahok sa nasabing lugar.
Hinihikayat naman ng PNP ang mga mamamayan na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran.
###