Monday, November 25, 2024

Pamilya ng 2 CTG na nasawi sa engkwentro, tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa Isabela PNP

Tumanggap ng tulong-pinansyal ang mga pamilya ng dalawang (2) miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na nasawi kamakailan sa San Mariano, Isabela.

Nagtungo ang 1st Isabela Police Mobile Force Company (PMFC), sa pangunguna ni PLtCol Jeffrey D. Raposas, sa bahay ng mga rebeldeng namayapa upang makiramay sa mga naulilang pamilya.

Noong Oktubre 29 ng kasalukuyang taon, nasawi sa engkwentro sina Davao Infiel, Squad Leader sa ilalim ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV); at Dessel Infiel na miyembro rin ng naturang grupo.

Nagpapatrolya ang 95th Infantry Battalion at Isabela PMFC sa Barangay Tappa, San Mariano nang mamataan ang mga miyembro ng NPA na bitbit ang mga matataas na kalibre ng armas.

Pinaputukan ng mga rebelde ang paparating na pwersa ng pulisya at militar na nauwi sa limang (5) minutong palitan ng putok at pagkasawi ng dalawang (2) CTG. Narekober din ng mga otoridad mula sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang (2) M16 riffle.

“Kami’y talagang lubos na nagpapasalamat sa inyong mga tulong lalo na sa pagmulat sa amin kung ano ang tunay na halaga ng buhay na ilang dekada na sa ami’y ipinagkait. Binulag kami ng idelohiya na maraming buhay na ang sinira,” wika ng nakatatandang kapatid ng yumao.

Nanawagan ang pamilya sa mga dati nilang kasamahan na sumuko na habang may pagkakataon pa para magbagong-buhay.

###

Panulat ni: Police Corporal Josephine T Blanche

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles