Umapad, Mandaue City – Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga tauhan ng Mandaue City Police Office sa Barangay Umapad, Mandaue City nito lamang ika-19 ng Hulyo 2022.
Ang nasabing aktibidad ay aktibong pinangunahan ng mga miyembro ng Mandaue PNP sa direktang pangangasiwa ni Police Colonel Roland V Bulalacao, City Director, at buong pusong nilahukan ng mga miyembro ng CENRO, KKDAT, Force Multipliers at Barangay Umapad BPATs.
Ang nasabing programa ay inilunsad bilang pakikiisa sa ika-27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos, at Maunlad na Pamayanan” at alinsunod na rin sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Layunin ng Mandaue PNP na patuloy na magbigay ng serbisyong totoo at tapat na walang pinipiling araw, okasyon at pagkakataon.
Patuloy namang hinihikayat ng Pambansang Pulisya ang mamamayan na huwag mapagod sa pakikiisa at pakikilahok sa mga programang inilunsad ng ating pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya at pribadong indibidwal na naglalayong paglinangin ang ating Inang kalikasan na siyang pangunahing pinagkukunan ng pangkabuhayan.
###
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah R Evangelista