Arestado sa ikinasang entrapment operation ang dalawang (2) suspek sa gunrunning syndicate noong Oktubre 31, 2021 sa Shariff Aguak, Maguindanao.
Isinagawa ng Shariff Aguak Municipal Police Station ang naturang operasyon kasama ang 1404th Regional Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 14, at Regional Intelligence Division.
Matagumpay na naaresto sina Adji Mohaimen Akmad Lumamba at Talib Basagan Manindig, pawang residente ng Matanog, Maguindanao.
Nakumpiska sa operasyon ang isang (1) 5.56 rifle; isang (1) 40mm grenade launcher; mga cellphone at buy-bust money.
Ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Shariff Aguak Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
###
Article by Police Corporal Josephine T Blanche