Pinarangalan ng NGO TV Network ng TV 5 ang dalawang (2) accredited Non-Government Organizations ng Philippine National Police na ginanap sa Aberdeen Court, Quezon City noong Oktubre 30, 2021.
Ang dalawang (2) grupong ito ay ang Anti-Narcotics International Assistance Group (NARIAG) sa pamumuno ni Mrs. Olga A. Mabborang, President, at ang Mike Delta Force Intelligence and Communication Group sa pangunguna ni Mr. Elizier Bongabong, President, na kapwa nakatanggap ng parangal bilang Outstanding NGOs of the Year.
Dumalo rin sa nasabing parangal si PBGen Eric E Noble, Director ng Police Community Affairs and Development Group na siyang kumatawan upang tumanggap ng parangal para kay PGen Guillermo Lorenzo T Eleazar, Hepe ng Pambansang Pulisya.
Ang NGO TV Awards ay iginagawad sa mga NGO bilang pagkilala sa kanilang pagtulong at pagseserbisyo sa bayan. Ito ay isang pasasalamat sa pagiging public servant sa pamamagitan ng boluntaryong pagtulong katuwang ang ating mga kapulisan.
Lubos na nagpapasalamat ang mga nasabing NGO sa parangal na iginawad sa kanila bilang pagkilala sa kabutihang nagawa sa bayan at mamamayan.
#####
Panulat ni: Patrolman Jonel Jarabe