Sunday, January 12, 2025

5 Pulis pinarangalan; PNP kinondena ang panibagong ambush sa Samar

Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City – Kinilala at ginawaran ng Medalya ng Papuri ang mga miyembro ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) kasabay ng Monday Flag Raising Ceremony na ginanap sa harap ng PNP National Headquarters nito lamang Lunes, ika-18 ng Hulyo 2022.

Pinangunahan ng pamunuan ng Philippine National Police sa pangunguna ni PNP Officer-in-Charge Police Lieutenant General Vicente D. Danao, Jr. ang pagbibigay ng parangal sa mga naturang operatiba sa katangitanging pagsasagawa ng random parcel profiling at K9 Sweeping sa DHL CARGO, R5 Maintenance Base Complex, Andrews Avenue NAIA Complex sa Pasay City noong Hunyo 15, 2022 kasama ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at NAIA – Inter-Agency Drug Interdiction Task Force Group kung saan narekober ang MOL 445 grams ng hinihinalang cocaine na ikinubli sa isang tambutso ng motor na nagkakahalaga ng Php 2,358,500.

Kinalala ang mga pinarangalan na sina Police Colonel Cesar T. Gerente, Police Major Carlo J. Dilag, Police Master Sergeant Mark Anthony S. Dionela, Police Corporal Paula Mariz L. Mendoza at Patrolman John Bloody T. Lontoc.

Samantala, sa isang talumpati ni PNP OIC kaugnay ng pagkasawi ng isa na namang miyembro ng Pambansang Pulisya nang tambangan ng di pa kinilalang teroristang komunistang National People’s Army, nagpahayag siya ng matinding pagkalumo at pagkondena sa walang saysay na pananambang na nagresulta sa pagkamatay ng isang tagapagpatupad ng batas.

“Hindi naman sana anti-criminality operation ang ginawa ng mga bata doon, they are there to give assistance to the poorest of the poor pero, unfortunately, you [CTG] ambushed them, and now you are talking about peace talks…,” ani PLtGen Danao, Jr.

Ayon sa impormasyon mula sa pinangyarihan ng engkwentro, magsasagawa lamang ng humanitarian activity ang mga miyembro ng 804th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 at 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company noong Sabado, ika-16 ng Hulyo sa Brgy. San Nicolas, San Jose de Buan at Brgy. Mabuhay, Gandara na parehong nasasakupan ng probinsya ng Samar nang pinaulanan ng bala ang mga hanay ng kapulisyan ng higit-kumulang sampung miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) na nagresulta sa pagkasawi ni Patrolman Mark D. Monge.

Humingi naman ng dasal sa publiko ang PNP OIC na huwag kalimutan ang sakripisyo na inalay ni Pat Monge at iba pang mga kapulisan na patuloy na nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng bansa kapalit man ay ang kanilang natatangi at nag-iisang buhay.

Ang mga hindi mabilang na karumal-dumal na pagpatay at pananakot ng mga rebeldeng grupo sa mga pamayanan lalo na sa kanayunan na tulad ng sinapit ni Pat Monge ay hindi kailanman bibigyang puwang ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa lipunan at patuloy na kokondenahin, at mananatiling desidido at paiigtingin ang laban sa insurhensiya na kinakaharap ng bansa tungo sa isang bansang payapa, maunlad at nagkakaisang bayan kasabay ang patuloy na pagsulong ng mga operasyon kontra droga at kriminalidad.

###

Panulat ni Patrolman Noel S. Lopez

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles