Saturday, September 21, 2024

“Project Palangga” inilunsad ng NAPOLCOM at PNP Central Visayas

Barili, Cebu – Naglunsad ng programang “Project Palangga” ang NAPOLCOM at PNP Central Visayas na nakatuon sa pagbibigay ng kalinga sa mga lubos na nangangailangan na ginanap sa Hospicio de San Jose, Brgy. Guibuangan, Barili, Cebu nito lamang Biyernes, ika-15 ng Hulyo 2022.

Ang nasabing proyekto ay pinasinayaan ng mga kawani ng National Police Commission (NAPOLCOM) 7 katuwang ang Police Regional Office 7, Local Government Unit ng Barili at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Dumalo rin sa naturang gawain ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng naturang lugar, PRO 7 Combo and Dancers, at iba pa.

Ang Hospicio de San Jose de Barili, ay isang pasilidad na inilaan para sa mga matatanda na hirap sa buhay at walang pamilyang nag-aalaga sa kanila. Layon nito na maipadama ang pagkalinga at mabigyan ng isang kasiya-siyang buhay ang mga matatanda. 

Ang proyekto ay isa sa paraan upang maipaabot at maipadama ang tulong at pagmamahal na handog ng pamahalaan at ng mga ahensya na laging bukas at handa na magbigay.

Binigyang kilala naman mula sa naturang gawain ang ilan sa mga stakeholders na naging bahagi ng matagumpay na aktibidad. Kabilang sa mga ito ang Virginia Food, Inc., Global Group Investment and Property Holdings Inc., at Jollibee Food Inc. para sa mga pagkain, hygiene kits, at groceries na kanilang donasyon. 

Lubos naman ang pasasalamat ng mga naging benepisyaryo ng naturang proyekto sa kanilang mga natanggap na tulong.

Nagtapos naman ang naturang aktibidad sa isang simpleng salu salo at pagpapakita ng mga angking galing at talento ng kapulisan sa pagpapasaya, pag-awit, at pagsayaw na nagdulot ng lubos na kasiyahan sa mga benepisyaryo at maging sa lahat ng nakiisa sa proyekto.

Walang ibang hangad ang mga naging bahagi sa matagumpay na gawain kung hindi ang patuloy na makapagbahagi at makapagbigay ng isang tapat at makabuluhang serbisyo publiko.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles