Sibonga, Cebu – Nagsagawa ng Blood Letting Activity na may temang “Dugo ko, Kinabuhi mo” ang mga miyembro ng Regional Mobile Force Battalion 7 sa Tagapaglungsad Hall, Camp Ceperino Genovia, Barangay Bahay, Sibonga, Cebu nito lamang ika-15 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng RMFB 7 sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Ronan R Claravall, katuwang ang Vicente Sotto Memorial Medical Center Blood Services.
Mahigit sa 100 blood bags ang nalikom sa nasabing programa at tiyak na maraming mamamayan ang matutulungan.
Layunin ng nasabing programa na matulungan ang ating mga kababayan na lubos na nangangailangan ng mga dugo.
Tinitiyak naman ng RMFB 7 na kanilang ipagpapatuloy ang ganitong aktibidad upang makatulong sa komunidad at maipadama ang tunay na malasakit at pagmamahal ng Pambansang Pulisya.
###