Solana, Cagayan – Nagsagawa ng Clean-up Drive at Tree Planting Activity ang PNP Aviation Security Unit 2 sa tabing-ilog ng Natapian, Solana Cagayan noong Biyernes, ika-15 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad ay magkatuwang na naisakatuparan ng mga tauhan ng Tuguegarao APS, Mobile Patrol Security, Tuguegarao Special Reaction Team at Operation Unit na pinangunahan ni Police Major Reycar C Bassig, Assistant Chief sa liderato ni Police Colonel Renato Mallonga, Chief, AVSEU2.
Lumahok din sa nasabing aktibidad si Police Lieutenant Colonel Marites Fernandez; Police Major Nora Paat, Chief Intel; Police Executive Master Sergeant Celia N Andal, Unit Executive Senior Police Officer; at mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 2.
Nagtulong-tulong ang mga grupo sa paglilinis at pamumulot ng mga nakakalat na basura sa tabing-ilog ng nasabing lugar.
Bukod dito, nakapagtanim din ng 50 pirasong bamboo seedlings.
Ang aktibidad ay bahagi ng ika-27th Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan” at alinsunod sa Best Practice ng AVSEU 2 na “Kalikasan”.
Layunin nito na mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng kapaligiran tungo sa maaliwalas at ligtas na lugar.
Source: Avseu 2
###
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag