Lanao del Sur – Sumuko sa otoridad ang isang criminal gang leader na konektado sa grupo ng Dawlah Islamiya sa Maguing, Lanao del Sur noong Hulyo 14, 2022.
Kinilala ni PCol Jibin Boncayao, Provincial Director, Lanao del Sur ang sumuko na si Ombay Bagumbong Hadjimalik, 55, na kilalang criminal gang leader sa Lanao del Sur.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagsuko din niya ng kanyang M16 assault rifle.
Ayon kay PCol Boncayao, si Hadjimalik ay nagpasyang sumuko para mamuhay ng matiwasay at magbagong-buhay dahil sa paghikayat ng mga kasapi ng Maguing Municipal Police Station at ilang lokal na opisyal sa lugar.
Si Hadjimalik ay konektado sa ilang mga teroristang grupo sa Lanao del Sur na gumagamit ng bandila ng Islamic State of Iraq at Syria at siyang leader ng isang grupong sangkot sa mga gawaing labag sa batas, kabilang na ang pagnanakaw at sapilitang pagkolekta ng “protection money” mula sa mga walang kalaban-labang mga negosyante at mga ordinaryong residente ng mga barangay sa Maguing at mga karatig-bayan sa Lanao del Sur.
Nagpapasalamat naman ang buong PNP sapagkat padami ng padami ang nagbabalik-loob sa pamahalaan at para na rin mabawasan ang dulot na panganib mula sa mga teroristang grupo.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia