Tagbilaran City, Bohol – Arestado ang isang lalaki sa kasong 3 Counts of Rape at Act of Lasciviousness ng mga tauhan ng Tagbilaran City Police Station sa Tagbilaran City, Bohol nito lamang Miyerkules, Hulyo 13, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Regie P Real, Chief of Police ng Tagbilaran City Police Station, ang suspek na si Efren Perin Gumapac, 53, residente ng P2, Andili, Mawab, Compostela Valley, Davao Region.
Ayon kay PLtCol Real, ang nasabing suspek ay naaresto bandang 3:45 ng gabi sa Villa Pastora, Brgy. Cogon, Tagbilaran City, Bohol ng mga operatiba ng Tagbilaran City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Agosto Cesario Sumaylo katuwang ang mga operatiba ng Regional Intelligence Unit 7, Bohol PIT, 702nd Maneuver Company/F2 intel HQ RMFB-7, Sevilla Police Station at Provincial Mobile Force Company.
Ayon kay PLtCol Real, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Hon. Regina Feliciano Sison-Montiel, Assisting Judge, RTC, 11th Judicial Region, Branch 3, Nabunturan, Davao De Oro sa kasong Rape.
Ang Tagbilaran City Police Station ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
###