Eastern Samar – Nagsagawa ng pinagsanib na Civil Military Operation at Police Community Relations Activities ang AFP at PNP sa Barangay Bato, Arteche, Eastern Samar noong Miyerkules, Hulyo 13, 2022.
May kabuuang 100 bata ang nabigyan ng lunch packs na naglalaman ng pansit, slice bread at juice at nasa 150 na pamilyang kapos-palad naman ang nabigyan ng food packs na naglalaman ng mga groceries at bigas at bukod dito ay nagbigay din ng libreng gupit para sa mga lumahok ng nasabing barangay.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 801st Maneuver Company sa pangunguna ni Police Captain Leslie R Lalic, Officer-in-Charge at 52 Infantry Battalion ng Philippine Army sa pangunguna ni Captain Julius B Tecson (SO), Civil Military Operation Officer.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay pa rin sa ika-27th Police Community Relations (PCR) Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Nakilahok sa programa ang Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Ms. Judith O Pombo, Rural Health Unit sa pangunguna ni Ms. Marilyn O Iso, Hon. Fe D Capoquian, Barangay Captain, KKDAT Members at iba pang organisasyon sa Barangay Bato, Arteche, Eastern Samar.
Dumalo rin sa aktibidad sina Police Lieutenant Pater Church A Tuhao, 1st Maneuver Platoon Leader; Police Lieutenant Arbie P Agustin, 2nd Maneuver Platoon Leader; Corporal Edward Jhon E Nonan (Inf) PA, Civil Affairs NCO; Pat Zyra B Delos Santos, CAS PNCO kasama si Hon. Zarina Kyra O Mosende, SK Chairman at iba pang Barangay Officials.
Layunin ng aktibidad na ito na maihatid ang karagdagang tulong at suporta para sa mga pamilyang nangangailangan at palakasin ang magandang ugnayan ng PNP, AFP at ng Komunidad.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez