Pormal ng inilipat ni PBGen Valeriano T. De Leon ang tungkulin bilang ama ng kapulisan ng Central Luzon kay PBGen Matthew P. Baccay noong Nobyembre 1, 2021.
Ginanap ang nasabing seremonya sa PRO 3 Grandstand, Camp Capt. Julian Olivas, San Fernando City, Pampanga na kung saan ito ay pinangunahan ng hepe ng pambansang pulisya, PGen Guillermo Lorenzo T. Eleazar. Dinaluhan din ito ng iba’t-ibang opisyales, kasama dito sina PMGen Bartolome R Bustamante, The Director for Police Community Relations at si PBGen Eric E Noble, Director, Police Community Affairs and Development Group.  Â
Bago italaga bilang ama ng rehiyon, si PBGen Baccay ay dating District Director ng Eastern Police District ng National Capital Region Police Office. Siya ay miyembro ng PMA Class ’92 at dati ring nanilbihan sa rehiyon tres bilang Chief, Comptrollership Division at Chief, Regional Intelligence Division.
Samantala, si PBGen De Leon naman ay itinalaga bilang bagong Director ng PNP-Civil Security Group.
#####
Article by Patrolwoman Maria Elena S Delos Santos