Monday, December 16, 2024

Indian National arestado sa kasong Attempted Murder ng Rodriguez PNP

Rodriguez, Rizal – Arestado ang isang Indian National matapos saksakin ang isa ring Indian National nito lamang Martes, Hulyo 12, 2022.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Marcelino Pipo Jr., Chief of Police ng Rodriguez Municipal Police Station, ang suspek na si Khush Singh, 42, money lender, residente ng Block 13, Lot 11 and 12, Geneva Garden Palmera Homes 1, Novaliches, Quezon City.

Samantala, nakilala ang biktima na si Parshotam Brar, 43, money lender, Indian National, residente naman ng Block 1, Lot 2, Reglan St., Sierra Monte Village, Batasan Hills, Quezon City.

Ayon kay PLtCol Pipo, bandang 10:30 ng gabi nangyari ang insidente sa Phase 1B Extension, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal kung saan nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang Indian Nationals dahil sa selos sa  kita ng negosyo na naging dahilan para saksakin ng kutsilyo ang biktima at pagkasugat sa kanang bahagi ng dibdib.

Kaagad naman rumesponde ang Rodriguez Municipal Police Station sa lugar matapos manghingi ng tulong ang mga concerned citizens na nakakita sa insidente at agad nadala sa Casimiro Ynares Medical Hospital, Brgy. Burgos, Rodriguez, Rizal ang biktima upang malapatan ng lunas.

Narekober sa suspek ang isang kutsilyong ginamit sa pananaksak na may haba na 11 inches at nahaharap sa kasong Attempted Murder.

Ang tagumpay ng PNP laban sa may pagkakasala sa batas ay bunga ng pinaigting na suporta at pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapanatiling maayos at ligtas ang komunidad.

###

Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,320SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles