Cotabato City – Nagsagawa ng feeding program ang Cotabato City Police Office sa Barangay Pagalamatan, Tamontaka 3, Cotabato City noong Hulyo 11, 2022.
Pinangunahan nina PCol Querubin Manalang Jr., Officer-in-Charge, CCPO at PLtCol Carmelo Mungkas Cotabato City Police Office, Chief, City Community Affairs and Development Unit na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan.”
Kasama rin sa nasabing aktibidad sina Atty. Esmael Panda, Assistant Regional Director; Atty. Esnaira Ibrahim, Chairperson, Regional Appellate Board at Atty Fahad Candao, Acting Chief, Technical Service Division.
Mahigit 100 Madrasah pupils ang naging benepisyaryo ng aktibidad kasabay rin ng pamamahagi ng 100 pares ng tsinelas.
Layunin ng aktibidad na makabawas sa malaking porsyento ng malnutrisyon at para maging masigla at malusog ang mga bata sa nasabing lugar.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia