Daet, Camarines Norte – Isinagawa ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Kabarangay Laban sa Pang-aabuso sa Kalikasan, Gubat at Kapaligiran (KALASAG) at signing ng Memoramdum of Understanding ng Project Goal of the Community and Police to Rehabilitate the Environment to Eliminate and Mitigate Natural Cause of Climate Change (GREEN) na ginanap sa Agro Sports Center, Provincial Capitol Compound, Daet, Camarines Norte nito lamang Hulyo 11, 2022.
Pinangunahan ni Police Colonel Julius Guadamor, Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office sa pamamagitan ng pag-organisa ng Provincial Community Affairs and Development (PCAD) sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rogelyn Peratero upang maisakatuparan ang nasabing okasyon.
Naging Panauhing Pandangal at Administering Officer si Police Lieutenant General Rhodel O Sermonia, Deputy Chief PNP for Administration sa naturang programa.
Ang aktibidad ay pagsuporta sa PRO5 IMPLAN to NHQ PNP CMC No. 04-2021, Plant a Tree Program: The PNP’s New Normal of Disaster Preparedness and Response at RA 9729 o ang “Climate Change Act of 2009”.
Naging parte din sa matagumpay na programa si Hon. Ricarte Padilla, Newly Elected Governor ng Camarines Norte kasama sina Police Brigadier General David Peredo Jr., Deputy Regional Director for Administration ng PRO5; Mr. Rolando Tiam ng BFAR- Cam. Norte; Mr. Ray Caceres, Director ng DILG- Cam. Norte; Mr. Marlon Francia ng PENRO-Cam. Norte; Dr. Ronaldo Paguirigan ng MENRO- Daet at ang iba’t ibang Advocacy Support Groups ng PNP.
Isa sa naging tampok ng aktibidad ay ang Ceremonial Turn-Over ng Mangrove saplings at Tilapia fingerlings na ipinamahagi sa mga napiling limang barangay sa bayan ng Vinzons na kinabibilangan ng Barangay Guinacutan, Mangcayo, Napilihan, Calangcawan Norte at Sto. Domingo.
Layunin ng nasabing aktibidad na himukin ang lahat na maging parte at katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng tahimik at mapayapang pamayanan tungo sa malinis at maunlad na komunidad.
Source: Camarines Norte Police Provincial Office
###
Panulat ni Patrolman Rodel Grecia