Dalaguete, Cebu – Nagsagawa ang mga tauhan ng 703rd Maneuver Company ng Community Outreach Program sa Sitio Sulug-on, Barangay Tapon, Dalaguete, Cebu nito lamang ika-10 ng Hulyo 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng 703rd Maneuver Company na pinangangasiwaan ni Police Lieutenant Ronnel P Diwag, Company Commander, katuwang ang Elite Guardians Dalaguete Chapter, Betta Phi Sigma at Omega Upsilon.
Ayon kay PLt Diwag, ang aktibidad ay isinagawa bilang pakikiisa sa ika-27th Police Community Relations Month Celebration.
Lubos naman ang tuwa at pasasalamat ng mga bata sa pagkain at sa mga candies na kanilang natanggap.
Layunin ng PNP na makapagbigay ng tulong sa ating komunidad lalong lalo na sa mga bata upang maipadama ang malasakit at pagmamahal ng Pambansang Pulisya.
###
Panulat ni Patrolman Carl Philip Galido