Suba, Cebu City – Timbog ang isang drug pusher sa buy-bust operation ng mga miyembro ng SDEU7, CCPO nito lamang ika-9 ng Hulyo 2022.
Kinilala ni Police Colonel Ernesto Salvador T Tagle, Acting City Director ng Cebu City Police Office, ang suspek na si Arnold Quijano Aro alyas “Nat-Nat”, 45, single, residente ng Barangay Suba, Cebu City at kabilang sa High Value Individual ng nasabing lugar.
Naaresto ang suspek bandang alas 10:15 ng gabi sa Barangay Suba, Cebu City ng mga operatiba ng SDEU, Station 6 sa pamumuno ni Police Major Erano Sanchez Regidor, Chief, SDEU.
Nakuha mula sa suspek ang mga plastic sachet, isang Swissgear sling bag na ginamit bilang lalagyan ng droga at buy-bust money.
Tinatayang hindi bababa sa 120 gramo ng hinihinalang shabu na may Standrad Drug Price na Php816,000 ang nakuha sa naturang suspek.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Sinisiguro naman ng Cebu City PNP sa pangunguna ni Police Colonel Ernesto Salvador T Tagle, na patuloy nilang susugpuin ang mga ilegal na gawain at pananagutin ang mga indibidwal na may pagkakasala sa batas.
###
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah R Evangelista