Zamboanga del Norte – Arestado ang isang Lalaki sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Zamboanga PNP nito lamang Hulyo 9, 2022.  Â
Kinilala ni Police Colonel John Francis Encinareal, Regional Chief, Criminal Investigation and Detection Unit 9, ang suspek na si Privene Sygaco y Renigado, 28, walang asawa at residente ng Sitio Anahaw, Brgy. Galas, Dipolog City, Zamboanga del Norte.
Ayon kay PCol Encinareal, bandang 4:37 ng hapon nang naaresto ang suspek sa Brgy. Minaog, Dipolog City, Zamboanga del Norte ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit 9 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan. Â
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9