Gattaran, Cagayan – Naghandog ng Project “PAILAW” ang 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company sa Sitio Pias, Mabuno, Gattaran, Cagayan nito lamang Linggo, Hulyo 10, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PLt Roberto Alariao, Admin PNCO ng 2nd Cagayan PMFC sa pamumuno ni PLtCol Wilhelmo S Saldivar, Force Commander kasama ang mga opisyales ng naturang barangay.
Kinilala ni PLtCoL Saldivar ang napili nilang benepisyaryo na si Ginang Nelly C Agustin, senior citizen at may dalawang anak na nakikigamit lamang ng kuryente sa kapitbahay.
Dahil dito, labis ang tuwa at taos-pusong pasasalamat ni Ginang Agustin sa PNP.
Ayon kay PLtCol Saldivar, ang pamimigay ng libreng pailaw ay kaugnay sa Project T. U. L. A.Y. na may ibig sabihing “Tubig at Ilaw para sa mamamaYan”.
Layunin nito ang makapagbigay ng libreng ilaw at patubig lalong-lalo na sa pamilyang malalayong lugar, liblib at bulubunduking barangay na hindi abot ng elektrisidad.
Ang inisyatibo na ito ay alinsunod din sa programang NTF-ELCAC na nagsusumikap na mailapit pa ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan ng Rehiyon Dos.
Source: 2nd Cagayan PMFC
###
Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier, RPCADU 2