Paoay, Ilocos Norte – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Paoay PNP sa Barangay Cabang-aran, Paoay, Ilocos Norte nito lamang ika-9 ng Hulyo 2022.
Ang nasabing aktibidad ay direktang pinangasiwaan ni Police Major Sheryll C Guzman, Acting Chief of Police ng Paoay Municipal Police Station na aktibong nilahukan ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group members at mga Barangay Officials.
Tinatayang nasa 200 fruit bearing tree seedlings ang naitanim ng mga nasabing grupo sa isinagawang aktibidad.
Ayon kay PMaj Guzman, ang nasabing aktibidad ay inilunsad bilang pagdiriwang sa ika-27 pagdiriwang ng Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan” at alinsunod na rin sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Ang naging aksyon ng Paoay PNP katuwang ang mga mamamayan ay isang magandang solusyon upang mapanatili ang luntian at malusog na kapaligiran na makakatulong upang makaiwas sa tuluyang pagkasira ng inang kalikasan dulot ng polusyon.
Source: Paoay Municipal Police Station
###
Panulat ni PSSg Lhenee B Valerio