Lower Bicutan, Taguig City — Nagsagawa ng Zumba Fitness Activity para sa kababaihan ang PNP Fitness Team ng Regional Police Community Affairs and Development Unit ng NCR sa Lakeshore Hall Open Ground, Lower Bicutan, Taguig City nitong 5:30 ng umaga ng Sabado, Hulyo 9, 2022.
Aktibong nakihataw ang 50 na kababaihan sa naturang aktibidad.
Ito’y pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Nieves A Dela Peña, Officer-in-Charge, RPCADU-NCR kaugnay sa 27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan.
Ang pagsayaw ay isang ehersisyo na makatutulong upang malayo sa anumang karamdaman at mapanatiling masigla ang ating pangangatawan.
Source: PCADG Metro Manila
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos