Glan, Sarangani Province – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Glan Maritime Sarangani Station bilang pagdiriwang ng ika-27th Police Community Relations Month sa Sitio Cagang, Poblacion Glan, Sarangani nito lamang ika-8 ng Hulyo 2022.
Ito ay sa pangunguna pa rin ng PCR PNCO ng naturang Maritime Police na si Police Corporal Mark Garcia kasama ang ilan sa mga non-government organizations.
Inumpisahan ang aktibidad sa pagsasagawa ng lectures ni PCpl Garcia kaugnay sa Illegal Drugs o RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), kahalagahan ng pamilya (Family Code) at insurhensya.
Nilahukan ito ng mga magulang ng mga bata na kasama at benepisyaryo naman ng Team Building Activity.



Matapos ang lecture ay kaagad naman na isinunod ang Team Building kung saan ay nagbigay-aliw ito sa mga bata sa Sitio Cagang maging ang ilan sa mga magulang ay sinaksihan ang masayang pakikilahok ng kanilang mga anak sa mga palarong inihanda ng naturang istasyon.
Ilan lamang ito sa mga paunang aktibidad ng Glan Maritime kaugnay pa rin sa ika-27th PCR Month at sa mga susunod na linggo ay inaasahan naman ang ilan sa mga malawakang aktibidad na naka-line up sa kanilang calendar of activities.
Malaki naman ang pasasalamat ng mga residente ng Sitio Cagang dahil isa ang komunidad nila sa mga napiling lugar kung saan isinagawa ang mga naturang aktibidad.
###
Panulat ni Patrolman Jerrald Gallardo