Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Anda Municipal Police Station sa Barangay Tawid, Anda, Bohol nito lamang ika-8 ng Hulyo 2022
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Ponciano M Entroliso katuwang ang mga Barangay Officials ng nasabing lugar.
Ayon rito, ang aktibidad ay alinsunod sa pagdiriwang ng Nutrition Month at ng ika-27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Layunin ng Anda PNP na mapasaya at matulungan ang mga kabataan at ipadama ang pagmamahal at malasakit sa kanilang mga kababayan.
###
Panulat ni Patrolman Carl Philip L Galido