Sta. Catalina, Cebu – Pinangunahan ng 705th Maneuver Company, RMFB7 ang Community Outreach Program sa Brgy. Milagrosa, Sta. Catalina nito lamang ika-8 ng Hulyo 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ni Police Captain Jade Asiong Basingao, Company Commander sa direktang pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ronan Claravall, Force Commander, katuwang ang mga miyembro ng 705th MC, RMFB7, Sta. Catalina PNP, kasama ang mga pinuno ng kagawaran ng lokal na pamahalaan.
Labis naman ang tuwa at pasasalamat ng mga residente na nakatanggap ng libreng pagkain, gupit at facemask mula sa nasabing grupo.
Ang programa ay inilunsad bilang pakikiisa sa ika-27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Ang naging aksyon ng Pambansang Pulisya ay naglalayong matulungan at mabigyan ng kasiyahan ang mga residente na kanilang nasasakupan bilang ganti sa walang sawang pagsuporta ng mga ito sa mga programang inilulunsad ng Philippine National Police at ng iba pang lokal na pamahalaan.
###
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah Evangelista