Thursday, February 13, 2025

Annual Beef Sharing Program muling isinagawa ng PNP kasabay ng selebrasyon ng Eid al- Adha

Camp Crame, Quezon City – Muling isinagawa ng Philippine National Police ang taunang pamamahagi ng libreng karneng baka bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Eid al-Adha o “The Feast of Sacrifice” sa mismong headquarters nito sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City nitong Hulyo 10, 2022.

Ito ay bahagi sa programa ng Pambansang Pulisya sa pakikipagtulungan nito sa iba’t ibang foundation tulad ng ICAD Foundation, Pacific Dialogue Foundation, Time to Help Foundation – Germany at United Kingdom, at ng Embrace Relief Foundation.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Police Community Affairs and Development Group sa pamumuno ni Police Brigadier General Eric Noble na siya ring nagbigay ng welcome remarks para sa lahat ng mga dumalo.

Tinatayang nasa 100 karneng baka ang naipamahagi sa mga benepisyaryo na pawang mga utility personnel ng himpilan, samantala bigas naman para sa mga hindi nabigyan ng karne.

Samantala, sinabi naman ni Mr. Selim Sirinoglu ng Pacific Foundation sa kanyang mensahe na nagagalak siya at ng iba pang mga kasamahang Foundation na makipagtulungan sa PNP upang magkaisa para sa pagbahagi ng pagpapala hindi lamang dito sa kampo pati na rin sa buong bansa.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, TDCA, sa lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang naturang pamamahagi.

Aniya, sa tulong ng iba’t ibang foundation, tagumpay na nakapagsagawa ang PNP ng parehong programa sa buong bansa para sa ating mga kababayang mas nangangailangan lalo na sa panahon ng pandemya.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles