Barira, Maguindanao – Nagsagawa ng tree planting activity ang Maguindanao PNP sa Barangay Nabalawag, Barira, Maguindanao noong Hulyo 7, 2022.
Pinangunahan nina PMaj Regie Albellera, Chief Police, Community Affairs and Development Unit Maguindanao at PMaj Michael Ameril, Chief of Police, Barira Municipal Police Station ang nasabing aktibidad.
Kasama rin ang Municipal Environment and Natural Resources Office Barira sa pamumuno ni Bai Salma Taug at KKDAT Advocacy Support Group sa pamumuno ni Abdul-Azis Dagalangit.
Ang tree planting activity ay isang aktibidad na kung saan ay hinihimok ang mga miyembro ng barangay o isang bayan para magtanim ng mga punong kahoy para mapanatiling malinis ang dumadaloy na hangin sa ating kapaligaran at maiwasan ang pagbaha sa mga mabababang lugar at ang pagkakaroon ng landslide sa mga kabundukan.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia