Negros Occidental – Arestado ng mga tauhan ng 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company ang isang dating miyembro ng New People’s Army sa Barangay Calampisawan, Calatrava, Negros Occidental nito lamang ika-6 ng Hulyo 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jay F Malong, Force Commander ng 1st NOPMFC, ang suspek na may alyas na “Ka Ricky”, 47, residente ng Sitio Ecugan, Barangay Minapasok, Calatrava, dating North Negros Front- Komiteng Rehiyon Negros (NNF-KRN) ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay PLtCol Malong, naaresto ang suspek dahil sa matagumpay na kampanya ng pulisya laban sa terorismo at para muling makuha ang tiwala ng kanilang mga lokal na tagasuporta.
Hinihikayat din nito ang mga natitirang miyembro ng CTGs na sumuko at yakapin ang programa ng gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP), maging ligtas, pahalagahan ang normal at mapayapang buhay, at mamuhay ng panibagong buhay kasama ng kanilang pamilya bago pa man mahuli ang lahat.
Ang Negros Occidental PNP ay patuloy sa pagpupursigi na maaresto ang mga may pananagutan sa batas, lalung-lalo na ang mga rebeldeng patuloy na pinapairal ang baluktot na ideolohiya na pabagsakin ang gobyerno at sumisira ng kapayapaan ng komunidad.
###