Taytay, Rizal – Isinagawa ang Bloodletting Activity ng Rizal Police Provincial Office na may temang “Dugo Ko, Sagip Buhay Mo” kaugnay sa selebrasyon ng Police Community Relations Month sa Covered Court, Camp MGen Licerio Geronimo, Taytay, Rizal nito lamang Miyerkules, July 6, 2022.
Pinangungunahan ang aktibidad ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, katuwang sina Police Lieutenant Colonel Jaycon Ramos, Deputy Provincial Director for Administration; Police Major Marinell T Fronda, Officer-in-Charge, Police Community Affairs and Development Unit; at Ms. Jocelyn A. Suello, President/CEO ng Maezelle Psycho Metier Diagnostic Center (MPMDC).
Tinatayang 150 ang nakiisa mula PNP at mga Advocacy Support Group, Force Multipliers at volunteers mula sa iba’t ibang siyudad at munisipalidad ng Rizal ang boluntaryong nakilahok at nagbahagi ng kanilang dugo.
Ayon kay PCol Baccay, ito ay maituturing na pinakamahusay na pagsisikap ng mga grupo na ang layunin ay upang matugunan ang pangangailangan ng dugo sa oras ng kagipitan.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon